Archive for December, 2005

goodnight at sweetdreams

Thursday, December 22nd, 2005

ano bang korni sa pagsasabi ng gudnyt saka switdrims? meron ba? kasi kapag nag gu gudnyt at switdrims ako sa pinsan ko, minumura niya pa ko.

dati kasi nung bata pa ko,tinuruan na ko ni mama ng ganun.una ki kiss ako sa kanya.sa magkabilang pisngi tapos sa lips.tapos sasabihin ko na yun.nasanay na ko ng ganun. hanggang ngayon ginagawa ko pa yun eh.nung nawala si mama,yun lola ko naman sinasabihan ko ng ganun.eh lumipat na si lola,wala na kong masabihan.tapos yung isa kong pinsan si naneng buti na lang nag re respond xa sakin.yung tita ko rin game din sa ganung sabihan bago matulog.

wala lang nami-miss ko lang si mama.